feelmysoul

hear my random thoughts.... they are the echoes of my screaming soul...

Wednesday, January 26, 2011

Ang Sirkulo ng Buhay


Malapit na ang kaarawan ko….ganun din ang kaarawan ni nani… Isang taon na naman ang nadagdag sa aming dalawa… Isang taon na puno ng saya, lungkot, sakit, at iba pang uri ng mga karanasan…

Naisip ko lang…dalawampu at anim na taon bago ngayon, malamang ay parehong sabik na nag-aabang ang aming mga ina, na noon ay bago pa lang din sa larangan na pagpapamilya, ang buong galak na naghihintay sa pagluluwal nila sa amin… marahil ay ganoon din ang aming mga ama…at ang iba pang miyembro ng aming mga pamilya (sa kaso ni nani, ang kanya sigurong kuya)….

ganito ang takbo ng isip ko simula noong lunes pa..

ganito din ako kahapon

ganito pa din ngayon

bukas din ba?

alam ko na….kung nung mga nakaraan ay nakatulugan ko na halos ang pag post sa fb, susubukan ko naman na ibahin ngayong gabi (madaling araw) ang takbo ng mga pangyayari..

bakit di ko kaya subukang ayusin ang mga damit kong halo halo na at gusot na gusot na sa pagkakasiksik at buhol na buhol na nakatago sa damitan kong dinaig pa ang tapunan ng mga basura?

kasunod nito, bakit di ko din kaya subukang isaayos mula bukas ang mga gamit ko sa opisina at ng sa gayon ay magkaroon na din ako kahit paano ng interes at sigasig sa paggawa?

kasunod naman nito ay aayusin ko na ang iba ko pang mga kagamitan para sa nalalapit na paglipat ko ng apartment na titirhan dito sa QC?

tapos ay ang aking pag-uugali at pakikitungo sa kapwa dahil tila katulad ng mga damit kong wala na sa ayos ay unti-unti na ding gusot at magaspang ang pag-uugali ko nitong mga nagdaang mga araw…

pagkatapos ay isusunod ko nang intindihin at pagtuunan ng mas higit na pansin ang mga mas importanteng bagay at malalaking hakbang para sa ikabubuti ng aking buhay at kinabukasan… katulad ng nalalapit na enrollment at pagkuha ng bagong kurso sa University of the East…

Kasunod nito ay ang pagsubok upang maging mas higit na masinop at masigasig sa pag-aaral…upang makapag tapos nang nasa takdang panahon..at ng sa gayon ay maplano ko na din nang buong husay ang bagong hakbang sa aking buhay kasama ng taong pinakamamahal ko ngayon…

Tapos ay ang pagpapasyang magka-anak ng dalawa… Ang pagpapalaki sa kanila at ang paghubog sa kanilang magandang asal at pag-uugali… ang pag gabay sa kanilang pag-aaral…ang pagpapatapos hanggang sa sila ay magkaron na din ng kanya-kanyang mga buhay… ang kanilang paglisan sa aming nilikhang tahanan…ang pagkakaroon nila ng mga sariling mga pamilya…

Hanggang sa muli, si nani at ako na lamang ang masayang magsasalo sa nalalabi naming mga araw…habang sa likod ng aming mga isip ay naglalaro ang kaisipang marahil ay sa ganoong paraan din nabuhay sa nalalabi nilang mga oras ang aming mga magulang..

Hanggang sa hahanapin na namin ang mga piling gawain na kinaangkupan ng aming liksi at lakas… hanggang sa marahil ay datnan ng mas masidhing takot o pagiging kuntento siguro sa naging takbo ng aming mga buhay… dahil wala nang puwang ang lungkot at panghihinayang… hanggang marahil ay magkusa ng tumakas ang huling hibla ng aming mga hininga at maging parte na lamang kami ng kasaysayan sa mga taong nakakilala, nakasalamuha at nabuhay sa mga panahong kami ni nani ay punong puno pa din ng ligaya at pag-asa…

At sa dako pa roon…bagamat kami ay wala na… batid ko, na saan mang dako ng mundo, ay merong istorya na hawig nang aming buhay na muling mangyayari, magaganap, at mabubuhay sa katauhan ng iba’t ibang uri ng tao… mga taong maaring meron o walang kahit na anong kaugnayan sa aming dalawa..

Dahil ganyan ang sirkulo ng buhay….

Ang Pananabik

Ang isip ay malungkot na bumubulong
Ang diwa ay naglalaro ng mga tanong
Habang ito ay pilit na ikinukubli
Lalo naman itong nagwawala at di mapakali

Hanggang ang mga daliri ay inabot na ng hapo at hingal
Upang mahabol lamang ang tinig nang diwang garalgal
Sa bawat tipa ng titik ay tila sumasayaw
Sumasabay sa ritmo ang bawat kilos at galaw.

Ang bawat tibok ng pulso ay buhay na tumatagos
Dumadaloy, naglalakbay hanggang sa maipahayag ang tinig na paos
Pilit inaalam ng pang-unawang kapos
Ang nais bigkasin bago humantong itong tula sa pagtatapos.

Umabot na ang lahat sa ika-apat na saknong
Ngunit ang nais ipahayag bakit di pa rin maarok?
Paano ko nga ba bibigyan ng tinig ang kanyang mahinang bulong?
Kung kahit sa diwa ko lamang ay di magawang hubugin at ililok
Ang lupon ng mga salitang dito ay naangkop?

Ang daloy ng diwa ay sapilitang ikinulong at iginapos
At saka ginamitan ng tanikalang mahigpit ang pagkagulapos
Upang tuluyan nang mahuli at simulan ang pagtutuos
At nang dumaloy na ang kaisipan sa tama at ayos.

Ngunit bakit ang puso ko'y nakaramdam ng pagtutol
Tila ang pagkakulong ng diwa ay di makatwirang hatol
Dahil ang sigaw ng isip ay sa paglaya mismo patungkol
Paano ko nagawa itong gawing bihag ng walang gatol?

Doon nagsimulang marining ang nakabibinging hiyaw
Ng isip kong sagaran ang nararamdamang pag-ayaw
Di na kayang pawiin ng bawat pitik ng oras ang lungkot at pagkainip
Nais ko nang makawala at isabuhay ang isang antigong panaginip

Dahil ang bawat takbo ng diwa at mga salitang binibigkas
Ay katulad din ng pagkilos at pakikitungo na hindi na likas
At sapilitang nakakubli habang nakaamba ang pagtakas
Sa mundong naliligiran ng nangungutyang mga rehas.

Bakit nga ba ngayon pa tila kay hirap magtiis?
Pakiramdam ko ay aabutan na ako dito ng pagkapanis
Gaano na lang ba katagal ang kailangang ipaghintay
Upang sa kasalukuyang gawain ay iwasan muna ang maumay?

Bakit kung kailan malapit na ang paglaya at paglisan
At saka naman takbo ng mundo ko'y lalong sumisikip,bumabagal
Kung kailan malapit na ang katuparan ng mga pangarap
Ang pagdating ng pasensiya ay lalong nagiging matumal?

Tuwina ay binibilang ang mga minuto, oras, araw at buwan
Kailan ba sasapit ang paglikas na kay tagal ng inaasam
Hanggang mapagpasyahang mga mata na lang ay ipikit
At ibulong sa hangin ang panalanging taimtim
Umaasang sa paglipas nang isang saglit
Ay tuluyan nang magwawakas ang nakamamatay na pananabik.

Tuesday, January 18, 2011

Few of the Many Funny (And Hateful) Things About My Previous Boss

Last night, I got the most unfortunate chance of chatting with my previous boss via a well known networking site. The conversations that we had made me come up with this idea of listing all the funny things about him that often times, I just want to roll on the floor laughing… LOL
  • He came in late at the time of my final interview. Then he asked me repeatedly on things about my previous job, such as: the things I did, places I visited, people I talked with, the things that I learned from it, my views on the situation, etc. All the while, I know that he doesn’t even have the slightest idea on the topic since he just kept on asking, taking everything I said in, without even contesting or arguing about a single thought. Before he ended the interview, he even said, “Di na mga farmers ang kakausapin mo dito ha? Mga managers na. Kaya mo ba makipag-usap sa kanila?”
WTF! Ganun ba kabarok ang tingin nito sa akin? And for all I know, mas malinaw at higit
na mahusay pa ding kausap ang mga magsasaka kesa sa mga managers na katulad niya…
honestly man, how ignorant can he get?
  • He assured me that I don’t have to worry about a place to dwell in while I’m working for the company, only to find out later that he’ll make me stay on a quarter that’s almost the size of our bathroom in Laguna. Ang yabang pa niya when he said, “Dito ka na mag-stay. Concrete na ‘yan (stressing the word ‘concrete’). The resident manager used to stay here”.
Yeah, seriously! Just because I came from the province, did he actually think that I live in a
nipa hut? And just because a resident manager used to occupy the space, did he expect me
to jump with excitement? I was far from excited... I was disappointed…doomed.. That’s
what I felt!
  • When he handed me his laptop (actually the company’s laptop), he asked, “Alam mo ba iyan? Marunong ka bang gumamit niyan?” Did he really think that it was my first time to ever lay a hand on a laptop?
Duh! Baligtad ang pangalan ng ASUS sa cover ng laptop niya pag binuksan. Dun pa lang
alam nang surplus lang ang gamit niya. ASUS pare! Bakit hindi Apple, Compaq, Acer,
Lenovo, or Toshiba like the one that I currently own?

  • I can still remember the time when he told me about the disk defragmenter and the effort he made trying to explain what it does to the files as if he was talking to an idiot.
My thoughts that time: Hindi niya talaga alam ang mga sinasabi niya hahaha.. kanda utal pa
pag- explain eh..over! Kelan kaya nausuhan ng computer to? Kung makapag explain ng disk
defragmenter I bet, kelan lang niya nalaman ang tungkol dito at gusto lang niya ipagyabang
ang bago niya natutunan..tsk, tsk! At malamang, sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito dahil
akala na naman niya, wala akong alam sa sinasabi niya. Tsk! Sige na..pagbibigyan na
kita..magmamaang maangan na lang akong muli gaya ng dati… Just to feed your ego…

  • He always speak about his achievements and boasts about how greatly he did at my age. While I, on the other hand is boreeeeed to just sit right there, pretending to listen to him as I allow my thoughts to wander somewhere, holding the urge to shout at him and say, “Will you shut up? Because I don’t give a damn on what you did when you were my age.”

Kung insecure siya at kailangan lang niya ng assurance para sa sarili niya na mas magaling
pa din siya sa akin, or sa mga taong nakapaligid sa kanya, di ko alam. Basta ang alam ko,
hobby niya ang magyabang! LOL
  • He starts and ends every meeting with a prayer (the longer the prayer, the better...because he'll have more time to pretend he's holy as he sleeps). And every time the group meets, he never fails to let us know and reiterate to us that he is a changed man. That he used to be a sinner just like we are but then, he accepted Christ and he turned away from all of his sins then blah, blah, blah. He even told me once that he used to be a lover of a married woman.. That he used to cheat on his wife. But he changed… then he’ll end up persuading us to live the way he does.
Kaya pala I often caught his gaze following the legs and the cleavage of any woman who
happened to pass us by. And oftentimes, he’d left whatever it is that he’s saying hanging
until the woman disappears from his sight. Sometimes, I guess he envied the man
accompanying the girl too much that he ends up finding flaws on the man. He’ll say, “Hindi
sila bagay. Ang puti-puti at ang kinis ng babae tapos yung lalaki ang liit lang. Mas bagay
kami no?”

A changed man my ass! I know you’re feigning it. I know you’re only doing and saying those
because they left you with no choice. You need your job… you need to earn much money to
pay for everything… and if you stand for what you truly believe in, you might end up with an
empty stomach. No… you’re too coward for that and you can’t afford to take the risk and
compete with the numerous individuals who are starving for the same ambition and job
position that you want…for they might be more qualified than you are. Maybe that’s also the
reason why you always brag your achievements. So you can justify and make yourself believe
that you stayed because you have the skills… because you have what it takes.. Because
there’s no other man who can do the job…etc., etc. etc. Yeah, right… I can see it… you’re really
a changed man. Envy, lust, greed for money and occupation… that explains it all.. a changed
man…for the worst…


Ang lungkot isipin na kinakailangan mo pa ang presence ng ibang tao na sa tingin mo ay mas
mababa sa’yo para lang maramdaman na mahusay ka at matagumpay sa mga desisyon at
larangang napili mo. What a loser you are!

  • He has this weird hobby of (unconsciously?) scratching something beneath the front of his pants (his balls?) Then the “pagkambyo” that he comfortably does even in front of our all-female research group. Sometimes I find his lack of ethics funny, but most of the times, I don’t. It’s really very distracting and disrespectful seeing your boss doing that in front of you. “Neng, ano na ang development ng research natin? (scratches his balls?) Ah, dapat ganito, ganyan, blah, blah,blah (tatyo,kakambyo bago pabukaka na uupo ulit).
Eh kung hinahagisan ko na lang kaya to ng eskoba para matigil na ang kamay nito sa
pagkakamot, ampotpot oo… tsk!

  • I hate it when he arrived late… as in supppperrrr late. Like when I am already sleeping in my quarter at 10pm, then he’ll ask someone to wake me up because I have to meet him at the coffee shop. Then while I was discussing to him the outcome and development of the research project, I’ll hear him snore as he doze off.. kulang na lang tumulo na ang laway eh, lech! Then after an hour or two, he’ll hurriedly left and remind me that he should have the written report of this report and that report etc at 4 am that morning because he’s on travel and he’s going to take it with him. Damn! If he left at 2am, it means that I only have two hours left to finalize the written report. Then at 4am, dun pa lang ako matutulog para din gumising at around 7am para maprepare ko ang sarili ko for the next 8 (to God knows how long) hours of work!

He has no concept of rest, and worst, he doesn’t seem to care if others need it or not. Ewan
kung nagpapapogi lang or gusto lang niya masabihan na sobra siyang masipag kaya halos di
na siya nagpapahinga. I mean, he’s the boss. Wala naman ako talaga magagawa kung gusto
niyang mag overtime kami. Pero naman, common sense na lang (unless his common sense
is not so common). Pag tulog na sa quarter, di naman siguro kailangan pa manggising ng 10
pm para lang pag-usapan ng paulit-ulit at paikot-ikot ang topic (na kadalasan ay puno ng
mga pagyayabang niya bilang isang matagumpay na indibidwal) hanggang 3am. MAHIRAP
MAKIPAG USAP SA TAONG MAS WALANG TULOG COMPARED SA AKIN AT
NAGLALAKBAY NA ANG DIWA. YUNG TIPO NG TAONG DI MO ALAM KUNG
GISING BA OR NAGKAKARON NA NG MICRO NAPS PAG SINABI NIYANG
“NAKAUSAP KO SI GOD KANINA SA CR EH!” parang adik lang di ba?

  • After hours of deliveration, consultation, and reporting that starts from 6 pm, and sometimes goes on and on until 12mn or 3am (to think na puro babae sa group at malayo ang inuuwian ng 2 naming kasama) he’ll adjourned the meeting by quoting from his favorite lines. On which, during one of our consultations, he admitted that those are the harsh things that the owner of the company often told him. It includes the following:
“ Para kang bato. Wala akong mapiga sa’yo. You should be like a sponge.”

(kailangan ba na may idea na mapiga kasi hobby niya to make OUR ideas his own pag sinabi
na niya sa board meeting? Ano ba naman yung bigyan nya ng credit ang research team at
sabihin na “Naisip ng team namin” since sa amin naman talaga nanggaling ang thought kesa
sabihin niya na “Naisip ko” ?)

“ Dapat para kang eagle. I want you to soar like an eagle. Dapat broad ang nasasagap ng
mind mo”

(Sorry.. di po ako atenista.. Fighting Maroon po ako.. LOL..at siguro mapa Atenista or Upian
man, wala siguro papayag na ipanakaw ang mga ideas nila).

Duh… Ilang oras na mag-uusap tapos yan lang ang sasabihin? Unless wala na talaga
pumapasok sa kukote nya, wala na talaga siya mapipiga. LOL Or maybe he’s the laughing
stock sa board that he’s tryng to make me feel the way he felt when the company owner
looked down at him and told him those things? Sorry, confident ako. I know I have given
him enough insights and ideas. If he can’t find it useful, it’s not my problem anymore. LOL

  • This is gonna be the last thing on my list since this is when he really made the whole research team laugh, and at the same time felt sorry for him. He was in his usual “nagyayabang na state” when we informed him that we all want to resign. We can really see how his mixed emotions registered across his face. First there’s shock and his face loses its color. Then for a few minutes, he can’t talk. I know that he’s trying to regain his composure to get back on his “may yabang na image”. He looked so funny then that we even thought he was about to cry. We’re going to leave him without even warning him earlier. He has no other research team. There are still a couple of research projects lined up to him. How can he able to do it on his own? Then I guess after giving it some thoughts, he said “all right. If that’s what you really want. Pero mahirap maghanap ng work ngayon ah. May malilipatan na ba kayo?”

Aw! Sweet… but hey, come on! We know you don’t really care about us. The only thing
that you cared so much about is the research status. You’re only scared to lose your job
and you don’t want to lose the company owner’s trust. Because even within the company,
your position is at stake because of the presence of colleagues who can do a lot better than
you possibly can.

He looks so worried and vulnerable that night. His face was so transparent that his
emotions can really be read easily. We felt sorry, yeah. But at the same time, we had a
good laugh about it too. I’m not saying that it is proper to feel the way we felt, but it felt so
much better than the couple of times we spent like going home earlier than we should
during field works and hanging out somewhere to let the time pass (often times with Sir Jun
who treats us much better). It’s like being a senior and bullying a freshman (the character
suits him since parang lagi siyang nangangapa sa dilim sa lahat ng mga pinag gagagawa niya).

Well it’s over now. Majority of us from the research team had moved on and had chosen
different career paths. Often times, I miss them and the nasty little gossips we shared
about our once abusive, insensitive, weird boss who always claim that he is blessed… much
better than we do… because he is a changed man and that because he is unlimited like God
whom he talks to and answers him each time he went to the comfort room..and that he can
do anything and can make anything happen because he started working as a full time
manager at the age of 18 when he was still in college taking up a course in blah blah blah
blah blah blah blah………

Tuesday, January 11, 2011

Muli, Para Sa'yo Malko

dito ko na lang isisiwalat ang lahat ng takot at pangamba, tuwa at pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo...

takot....na baka mawala ka sa akin isang araw..
takot na baka wala akong magawa kapag nangyari iyon..
takot na baka maagaw ka sa akin ng iba..ng mga pangarap mo...ng pagkakataon..
takot na baka di pa sapat ang pagmamahal na pinapadama ko sa'yo...

pangamba dahil hindi ko kayang arukin at bigyan ng sapat na garantiya na di magiging sagabal sa ating dalawa ang pagtupad ko sa aking mga pangarap..
pangamba na baka may mga taong sadyain na paghiwalayin tayong dalawa..
pangamba sa kung anu mang pangyayari na nakatakdang dumating na parehong di kayang saklawan ng kakayahan nating dalawa...

tuwa dahil alam kong sa kabila ng lahat...sa abot ng ating makakaya, ay pareho nating binibgyan ng pagpapahalaga at pagmamahal ang isa't isa..
tuwa dahil alam kong sa kabila ng lahat ng takot at pangamba, ay mananatili ka sa aking tabi..
tuwa dahil alam kong sa kabila ng aking mga pagdududa at kakulangan ng tiwala sa'yo at sa aking sarili, alam kong tunay mo akong minamahal...

pagmamahal na sobra sobra at lagi kong handang ibigay sa'yo..
pagmamahal na lagi kong natatanggap mula sa yo..
pagmamahal na nagtulak sa akin upang muli kong bigyan ang akng sarili ng karapatan na mangarap at magtiwalang kaya kong tuparin ang mga ito..
pagmamahal na magbubuklod pa sana sa atin ng mas higit sa mga dadating pang mga panahon..

sa lahat ng ito..
sa lahat ng pangungulit
sa lahat ng pang-aasar
sa lahat ng nakaraan mo na madalas pa ding nakakapag paselos sa akin
sa lahat ng mga babaeng minahal mo at naging parte ng iyong nakaraan
sa lahat ng tuwa, ngiti, halakhak na binibgay mo sa akin..
sa lahat ng mga may kababawan at may katuturan nating mga tampuhan at mga di pagkakaunawaan..
sa lahat ng mga kakulangan natin sa isa't isa
sa lahat lahat...salamat malko...

MAHAL NA MAHAL KITA... :) HANGAD KONG MAS MAHALIN PA NATIN ANG ISA'T ISA HANGGANG SA BAWAT PAG-INOG NG MUNDO NA KAYANG HABULIN AT SABAYAN NG BAWAT TIBOK NG ATING MGA PUSO... :) (aha, aha... cheesy yan, aminin mo) hahahhaha