feelmysoul

hear my random thoughts.... they are the echoes of my screaming soul...

Wednesday, September 23, 2009

ALA-ALA, KUMOT AT LUHA

Hindi ko alam kung bakit.... hindi ko din alam kung paano sisimulan.... basta alam ko lang na kailangan ko nang isuka sa aking isipan ang mga bagay na gumugulo at sumasakal sa daloy ng magagandang gunita at alaala..

ilang araw ko na nga bang inuubos ang mga panahong ginugugol ko lamang sa pag-iisip sa mga pangyayaring parang may sariling isip at pagkukusa na bumubisita sa aking mga gunita?

ilang araw ko na nga bang wala sa sariling ulirat na nararating ang mga lugar na napuntahan ko dahil kasama pa kita?

ilang araw na nga bang paulit-ulit kong naririnig ang mga biro mo... at ang tunog ng iyong mga tawa?

ilang araw ko na nga bang pinapangarap na muli kong masilayan ang iyong mga ngiti? ang iyong mga mata?

ilang araw at gabi na nga bang dinadalaw ako ng iyong mga alala sa aking panaginip? kung saan muli kitang nakasamang mamasyal, kumain, manood ng sine, tumawa, umawit at pauli-ulit na alayan ng mga tula?

kung saan tila tunay sa pakiramdam ang bawat halik at bawat pag dait ng iyong mga palad sa mga kamay kong nanginginig at nanlalamig sa kaba...

apat na buwan... apat na buwan na nga ang matuling na lumipas pero sariwa pa din sa diwa ko ang bawat tamis, pait at hapdi ng iyong mga iniwang alala...

apat na buwan na ang matuling lumipas ngunit pinipilit ko pa ding ibaon sa limot ang lahat... dahil kailangan... dahil yun ang nararapat...

dahil nagawa mo nang limutin ang lahat kasabay ng paglaho ng pangako mong mananatili ang pagkakaibigan natin...

madalas pa din kitang binibisita (sa facebook at uzzap) at nakikibalita ako sa mga magaganda at masasayang nangyayari sa buhay mo mula ng kalimutan mo na minsan pala ay may nakilala kang katulad ko...at sa bawat balitang nakikita at natatanggap ko mula sa'yo, sa tuwina ay nahahati ang saya at lungkot na namamayani sa aking puso...

masaya ka na... at natutuwa akong isipin na patuloy mong nagagawa ang bawat naisin mo... pero nalulungkot din ako sa kaalamang tila ganun kabilis, nagawa mong limutin ang lahat ng tungkol sa akin..

habang ako, narito... patuloy pa ding naaalala ang lahat sa loob ng apat na buwan... pinipilit lumimot... lumalabas ng madalas... sumusubok gumawa at matutunan ang iba pang bagay... pilit ibinabaling ang atensyon sa trabaho... kahit na alam kong sa lahat ng aking ginagawa, nandoon pa din ang bawat alaala mo...

apat na buwan... nagkamali ako ng sabihin kong unti-unti na kitang nakakalimutan... na unti-unti na ding napapawi ang hapdi at kirot na nagbuhat pa sa nakaraan... dahil ang totoo, sa apat na buwan, wala akong ibang naramdaman kundi ang pangungulila sa iyo...

sinubukan kong magmahal at ibaling ang aking atensiyon sa iba... ngunit pinasama ko lang ang buong sitwasyon at nasaktan ang damdamin niya... dahil habang kasama ko siya... sa bawat paglalambing... sa bawat sandali... wala akong ibang hinahangad kung hindi ang maging posible ang maging "tayong dalawa"..

at habang patuloy pa na umuusad ang mga sandali... ang mga araw... ang mga linggo, ang mga buwan... hanggang hindi ko matutunan kung paaano nga ba ang lumimot... mamahalin kita kahit na hanggang abot-tanaw lang... kahit na hanggang sa aking mga pangarap na lang at sa bawat alaala ng nakaraan...

ngayong gabi, muli kong aakapin ang kumot na ginamit mo at pilit kitang hahanapin dito hanngang makatulugan ko na ang pagpatak ng mga luhang babasa sa aking pisngi.... dahil mahal pa din kita...

Thursday, September 17, 2009

Back in Davao... and now what?!

yey! i'm back in Davao!!!!! Uh...what's next?

First i came here not to spend a vacation but to work.

Second, uh well, the work is okay... i am having fun...much fun doing the field works with the team, actually.

But... when the night came..when all i want to do is anything but sleep, i suddenly miss the friends that i have left in Manila.

Maybe the field work could have been more fun and exciting if all (or even just one) of them is here....

So that i can have someone to speak with... laugh with... joke around with.... without thinking or choosing which words to say...without worrying about the age gap and the ever changing lingo that "we" are using..


Uh... don't really know what to say...

Can't really express and put into words the kind of longing i am feeling right now...

Funny, a few days back, i was so excited to come back here again.... and now that i am here, i can't do anything but count the remaining days that i have to spend before i went back in Manila...

I am enjoying a lot, but getting bored at the same time..

I want to go out and meet the friends that i once met here, but they said they don't have the time (both are working in a call center, graveyard shift), and so do i...

maybe i do have the time... but i guess, how i spend much of it depends on the team that i came here with.

uh...Davao...I guess i just have to enjoy and make the most of my remaining days here....:D

Monday, September 7, 2009

MAKULAY PERO ABNORMAL

Kanina, habang lulan ako ng bus mula Laguna paluwas ng Quezon City, hindi ko na naman naiwasan ang mag-isip... Mag-isip ng mga nangyayari sa buhay ko... sa mga dumadating na pagbabago... kung gaano na nga ba naging iba ang lahat... kung paanong parang bagyong dumadaluhong sa akin ang mga magagandang bagay na di ko inaasahan mula ng mawala ka...

Hanggang sa maalala ko ang nakaraan... Sa gitna ng aking pag-iisip, di ko naiwasang itanong sa aking sarili kung gaano nga ba ang pinag-iba ng mundong ginagalawan ko ngayon...

Inagaw ng mga puti at berdeng paro-paro na lumilipad sa munting kagubatan na nakatunghay sa aking harapan ang aking pag-iisip...

Habang pinagmamasdan ko ang nakabibighaning kalikasan na dinadaanan ng sinsakyan kong bus, naisip ko, pa'no kaya kung iba ang naging natural na kulay ng mga bagay na nananahan sa ibabaw ng mundo?

Paano kung sa halip na bughaw ay rosas ang kulay ng kalangitan? paano kung sa halip na dilaw o puti ay berde ang araw? paano kung ang kulay ng mga puno, mga damo, at mga kabundukan ay asul? paano kung ang dagat at iba pang mga bahaging tubig kabilang ang ulan na ngayon ay mabini ng pumapatak sa labas at dumadaloy sa bintana ng bus ay kulay pula?

Kakaiba...nakakapanibago marahil... pero di maitatatwa na kung masasanay lamang ang tumitingin at kung gayon nga ang natural na kulay ng kalikasan ay masasabing mananatili pa ring maganda, masaya at makulay sa paningin ang lahat...

ABNORMAL PERO PUNO NG KULAY
IRREGULAR PERO MASAYANG TINGNAN
MAY DATING PERO WALANG TUNAY NA KAHULUGAN

GANUN KO NAKIKITA ANG SITWASYON NG KASALUKUYANG MUNDO NA AKING GINAGALAWAN SIMULA NG IKAW AY LUMISAN....