ALA-ALA, KUMOT AT LUHA
Hindi ko alam kung bakit.... hindi ko din alam kung paano sisimulan.... basta alam ko lang na kailangan ko nang isuka sa aking isipan ang mga bagay na gumugulo at sumasakal sa daloy ng magagandang gunita at alaala..
ilang araw ko na nga bang inuubos ang mga panahong ginugugol ko lamang sa pag-iisip sa mga pangyayaring parang may sariling isip at pagkukusa na bumubisita sa aking mga gunita?
ilang araw ko na nga bang wala sa sariling ulirat na nararating ang mga lugar na napuntahan ko dahil kasama pa kita?
ilang araw na nga bang paulit-ulit kong naririnig ang mga biro mo... at ang tunog ng iyong mga tawa?
ilang araw ko na nga bang pinapangarap na muli kong masilayan ang iyong mga ngiti? ang iyong mga mata?
ilang araw at gabi na nga bang dinadalaw ako ng iyong mga alala sa aking panaginip? kung saan muli kitang nakasamang mamasyal, kumain, manood ng sine, tumawa, umawit at pauli-ulit na alayan ng mga tula?
kung saan tila tunay sa pakiramdam ang bawat halik at bawat pag dait ng iyong mga palad sa mga kamay kong nanginginig at nanlalamig sa kaba...
apat na buwan... apat na buwan na nga ang matuling na lumipas pero sariwa pa din sa diwa ko ang bawat tamis, pait at hapdi ng iyong mga iniwang alala...
apat na buwan na ang matuling lumipas ngunit pinipilit ko pa ding ibaon sa limot ang lahat... dahil kailangan... dahil yun ang nararapat...
dahil nagawa mo nang limutin ang lahat kasabay ng paglaho ng pangako mong mananatili ang pagkakaibigan natin...
madalas pa din kitang binibisita (sa facebook at uzzap) at nakikibalita ako sa mga magaganda at masasayang nangyayari sa buhay mo mula ng kalimutan mo na minsan pala ay may nakilala kang katulad ko...at sa bawat balitang nakikita at natatanggap ko mula sa'yo, sa tuwina ay nahahati ang saya at lungkot na namamayani sa aking puso...
masaya ka na... at natutuwa akong isipin na patuloy mong nagagawa ang bawat naisin mo... pero nalulungkot din ako sa kaalamang tila ganun kabilis, nagawa mong limutin ang lahat ng tungkol sa akin..
habang ako, narito... patuloy pa ding naaalala ang lahat sa loob ng apat na buwan... pinipilit lumimot... lumalabas ng madalas... sumusubok gumawa at matutunan ang iba pang bagay... pilit ibinabaling ang atensyon sa trabaho... kahit na alam kong sa lahat ng aking ginagawa, nandoon pa din ang bawat alaala mo...
apat na buwan... nagkamali ako ng sabihin kong unti-unti na kitang nakakalimutan... na unti-unti na ding napapawi ang hapdi at kirot na nagbuhat pa sa nakaraan... dahil ang totoo, sa apat na buwan, wala akong ibang naramdaman kundi ang pangungulila sa iyo...
sinubukan kong magmahal at ibaling ang aking atensiyon sa iba... ngunit pinasama ko lang ang buong sitwasyon at nasaktan ang damdamin niya... dahil habang kasama ko siya... sa bawat paglalambing... sa bawat sandali... wala akong ibang hinahangad kung hindi ang maging posible ang maging "tayong dalawa"..
at habang patuloy pa na umuusad ang mga sandali... ang mga araw... ang mga linggo, ang mga buwan... hanggang hindi ko matutunan kung paaano nga ba ang lumimot... mamahalin kita kahit na hanggang abot-tanaw lang... kahit na hanggang sa aking mga pangarap na lang at sa bawat alaala ng nakaraan...
ngayong gabi, muli kong aakapin ang kumot na ginamit mo at pilit kitang hahanapin dito hanngang makatulugan ko na ang pagpatak ng mga luhang babasa sa aking pisngi.... dahil mahal pa din kita...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home