Sino Ako?
Ako ay katulad lamang ng marami pang nauna sa akin na nabuhay, nabubuhay at mabubuhay pa sa ibabaw ng mundong binabalot ng di mapagkakatiwalaang ligaya at hindi matatarok na lumbay. Ako ay walang ipinagkaiba sa bawat nilalang na ngayon ay humihinga at nilalasap ang bawat pait at tamis nang buhay. Ako ay katulad mo din. Ikaw ay katulad nila. At sila, ay gaya nating ginagamit lamang ang lahat ng nalalabi pa sa hiningang ipinahiram lamang sa atin ng nag-iisang nilalang na higit na mas mataas kaysa kanino man sa atin. Ganito ko kayang kilalanin ang aking sarili gamit ang pangkalahatan (o maari ding ispiritwal) na depinisyon kung saan ang bawat nilalang ay pantay-pantay at parepareho lamang.
Ngunit sino nga ba talaga ako? Gaano ko nga ba kakilala ang aking sarili? At sa anong paraan ko nga ba nais na magpakilala?
Kung gusto kong makilala ko ang aking sarili..at makilala ako nang mga taong magpapahayag ng kagustuhan na makilala ako, nararapat bang ipahayag ko din ang mga sinusupil at iwinawaksi na mga negatibong pag-uugali? Nararapat ko bang tanggalin ang maskarang nagsisilbing piitan ng bawat takot, insekyuridad at kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan?
Saan nga ba ako dapat magsimula? Sa paggupit ba nang isang pirasong papel upang muli ay bumuo ng iba’t ibang mga hugis? Makakatulong ba ang paggamit ng maraming kulay upang mailarawan ko sa madla ang tunay na ako? Paano ko nga ba bubuksan ang aking damdamin at buong pagkatao sa lahat nang magkakaroon nang interes na tumunghay at mangutya?
Sa yugtong ito kung saan tila may sariling buhay ang mga salita na dumadaloy at umaagos sa aking isipan, ay tila bumabalik din sa bawat himaymay ng aking pagkatao ang pakiramdam noong unang beses kong sinubukang lumikha ng kwento. At muli ang pagdaluyong nang bawat alala na tila ay nais na mag-ambag nang kanyang nalalaman upang maibunyag ang tunay kong pagkatao.
Sa panulat, ang aking ama ay nagkukubli sa katauhan nang isang “Dalagang Kropeck”. Kung saan isa ang kanyang mga akda at tula sa mga unang talinghaga na aking natutuhang bigkasin sa edad na tatlo at kalahati. Oo tatlo at kalahating taon lamang ako nang matutong bumasa at nasa apat na gulang ng matuto akong sumulat kung saan ang aking unang kwento ay nilikha ko sa edad na lima. Hindi pa ako noon pumapasok sa paaralan at ang lahat ng aking nalalaman ay batay pa lamang sa itinuturo nang aking mga magulang.
Ang aking ina ang nagtiyaga sa akin upang matuto ako ng abakada. Hindi pa naman ampaw ang utak ko noon kaya madali akong natuto sa kanya. Ang aking ama naman ang nagmulat sa aking mga mata sa mundo na malikhaing pagsulat, bagamat ang aking ina (na nagmana sa aking Lolo) ay may angkin ding husay at galling sa pagsulat ng mga tula, kwento at dula lalong lalo na kung ito ay nasusulat sa Ingles. Ang sabi noon sa akin ng aking ama, nananalaytay daw sa aking dugo ang dugo ng mga manunulat kaya naman pinangatawanan ko ang sinabi niyang iyon. Mula nang aking matutunan ang sumulat at lumikha ng mga pangungusap na pinagdugtong dugtong upang bumuo nang isang kwento, di ko na pinatawad ang bawat espasyong makikita ko na maaaring sulatan…kasama na ang mga dingding nang luma naming bahay at mga kwaderno noon nang aking ina sa paaralan.
Maagang nag-asawa ang aking mga magulang. Naaalala ko na isinasama ako nang aking ina sa paaralan kung saan siya kumukuha ng kurso sa pagtuturo sa elementarya. Ang sabi ng ilan, maari daw na iyon ang dahilan kung bakit maagang namulat ang aking isipan upang mas maaga ko ding matutuhan ng higit sa aking mga kasing gulang ang pagbabasa at pagsulat. Noon nga, ang sabi nila, ay nakukuntento na akong maupo sa tabi ng aking ina hawak ang isang lapis o ballpen at maraming piraso ng papel kung saan aking itinatala ang bawat salitang dumadaloy sa aking musmos na isipan.
Hanggang ako ay tumuntong sa unang baitang ng elementarya sa gulang na 6, hindi ko pa din nagawang itakwil ang aking pagkagusto sa malikhaing pagsulat at pagpapahayag ng aking kaisipang mayaman sa samu’t saring mga ideya. Basta ang patimpalak ay may kinalaman sa panitikan, ay sinasalihan ko ito. Hindi upang manalo kundi upang mas lalo pang matuto at upang sundin ang tunay na tibopk ng aking puso. Nakakatuwang balikan at alalahanin ang mga panahon na malaki pa ang tiwala ko sa aking sariling kakayahan. Noong mga panahon na di ko pa iniisip ang kung ano ang iisipin at sasabihin ng mga taong nakapaligid sa akin. Basta ang alam ko noon, hindi ampaw ang utak ko at may maipapamalas akong galling at sarili kong talento.
Nasaan na nga ba ang dating ako? Bakit nga ba ngayon ay itinatago ko na lamang para sa aking sarili at sa mga malalapit na tao ang aking mga akda kasama ng marami pang ideya na naglalaro sa aking isipan at nagnanais na mapakinggan sa tuwing ako ay nasa gitna ng mga pagpupulong na may kinalaman sa aking trabaho? Nasaan na nga ba napadpad ang angas na dati ay tinataglay ko? Bakit nga ba tila naiwan na sa nakaran ang lahat nang kakayahan na noon ay nagpahanga sa mga maestro nang aking ina sa kolehiyo?
Kalian ko nga ba muling mararamdaman ang kayabangan ng aking nagdidiwang na kalooban tuwing pinupuri ng mga propesyonal na manunulat at mga kasamahan ng aking ama sa theatro ang aking talento sa panitikan na noon ay kasisilang pa lamang? Posible ko pa bang maramdaman ang ganoong uri ng kayabangan sa mundong aking ginagalawan sa kasalukuyan? May lugar din ba ang kayabangang iyon sa bagong mundo ng mga dentista na binabalak kobng pasukan sa hinaharap? O tuluyan na nga ba akong lalamunin ng insekyuridad at paninibugho sa mga kasamahan ko ngayon na hindi kinikilala at hinahayaan na payukurin sila ng takot na magkamali?
Saan nga ba ako dinala ng mga takot na iyon? Napaunlad ba nito kahit na bahagya ang aking pagkatao? O mas nakaambag pa ito sa pag-aakala ko na wala akong kayang gawin na nagtulak sa madaming tao upang tuluyang balewalain at hindi irespeto ang aking katauhan sa pamamagitan ng pagdududa sa aking ampaw na isipan at kakayahan?
Sino nga ba ako? Nasaan na nga ba ako ngayon? Kalian nga ba nagsimulang supilin ng pulis sa utak ko ang bawat ideyang nagbabalak kumawala at humiyaw sa mundo? Tuluyan na nga ba akong nilamon ng kamangmangan? Sadya nga ba akong mahina at madaling gapiin? Papayag ba akong tuluyan nang mailibing sa nakaraan ang palaban kong katauhan? Ang magaling at bibong bata na kung saan, madami ang nagsabi na malayo ang mararating ng aking pangangatwirang hindi agad sumusuko at nalilinlang?
Ayoko na sa bawat minutong lumilipas at nauubos sa paniniwalang ako ay isang mangmang. Kung ito ay isang bangungot at ako ay natutulog sa mahaba nang panahon, gusto ko nang gumising at ipamukha sa mundo sa kung sino at ano ang tunay na kulay ng aking pagkatao.
Ngunit paano? Kung nararamdaman ko naman na sa aking paggising ay bubungad sa akin ang isang di pamilyar na mundo? Paano nga ba magsimulang muli matapos ang mahabang pagtulog at pamamahinga? Paano na nga ba ang mangatwiran at ipaglaban ang bawat hinihiyaw ng isipan kong mas madami pang nalalaman, kayang sabihin at isagawa ng mas higit sa hinusgahan na nang mga tao sa paligid ko?
Bahala na. Sapat na sigurong panimula ang bumabangon na galit sa aking puso para sa mga taong sa pakiramdam ko ay hindi ako nirerespeto. Para sa kanila na walang tiwala na kaya ko ding gawin ang inaakala nilang iisang tao ang lang ang tanging makakagawa. Kagaya nga ng sinabi ko sa panimula ng aking akda, ako ay tulad din nang iba. Subalit pipiltin kong maging mas higit pa sa kanila.
Nitong mga nakaraang araw, bagamat sa panulat lamang at sa mga pahapyaw na kwento sa mga taong nakapaligid sa akin, ay sinisimulan ko ulit palayain ang aking mga nakatagong mga pangarap at plano sa buhay. Maingay ang aking mga daliri sa pagtipa ng mga salita gamit ang makabagong kagamitan sa panulat. Malamang, bago ang aking paglisan, ibubuko ng kanilang mga sariling damdamin ang mga taong walang tiwala at respeto sa mga bagay na kaya kong gawin. Ang mga mananatiling walang alam hanggang sa oras nang aking pagpapasya na lisanin na ang kasalukuyang mundo ko ngayon upang tahakin ang bagong landas ay patunay lamang na kabilang sila sa mga taong hindi ko kailanman napukaw ang interes at tiwala. Sa huli, magiging patas na din marahil ang lahat. Dahil ang lubusang pagsasabihan ko lamang ng aking mga plano sa buhay ay yung mga taong alam kong makikinig, magtitiwala at magpapahayag ng pagsuporta sa mga bagay na nais kong gawin para sa sarili kong ikabubuti. Dahil para saan pa ang paglalahad kung kahit pilitin kong isigaw ang bawat pangungusap ay hindi rin naman nila ako lilingunin at pakikinggan?
Sa pangwakas, heto na ang tunay na ako. Sa mga taong hindi ako nais na mapakinggan, kahit abutin man ng sampung pahina ang aking sanaysay ay di pa din nila ako makukuhang intindihin at maunawaan. Ngunit para sa iilan na nakikinig at nagtitiwala, alam kong kahit wala ang lahat ng naisulat ko dito, ako ay makikilala pa rin nila nang walang pagdududa…
Dahil ako ang supling dalagang kropeck… kahit anu’t ano pa man ang piliin kong propesyon sa buhay, dadaloy at dadaloy pa din ang maangas na mga salita at mga ideya sa aking isipan upang muli ay maipagyabang ko sa mundong nagsisimula nang kalimutan at talikdan ang aking marunong at hindi ampaw na katauhan….

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home