feelmysoul

hear my random thoughts.... they are the echoes of my screaming soul...

Tuesday, May 11, 2010

ISANG PAGNINILAY AT PAGSISIWALAT (para kay nani)...

hindi ako makatulog... iniisip kita... oo ikaw.. nagawa ko na ang lahat ng bagay na nakasanayan ko ng gawin sa net at sa laptop ko... na view ko na ang profile ng mga taong namimiss ko na at matagal ng di nakikita (oo kasama siya).... maging ang uzzap na ilang beses ko ng ipinangako na hindi ko na muling bubuksan at gagamitin pa ay nagtagumpay na naman sa panunukso sa akin na siya ay muli kong panandaliang kabaliwan at akapin...



ilang ulit ko na ding tiningnan ang mga larawan na nakapaskil sa aking facebook at friendster accounts... makailang ulit na binasa ang mga posts sa twitter at mga flow at threads ng mga stats sa facebook pero ganun pa din...



hanggang sa maalala ko ang blog site ko... kung saan, narealized ko kung paanong nagbago ang aking kaisipan, damdamin, at pagkatao kasabay din ng pagbabago sa uri, bilang at pagkatao ng mga taong nakakasalamuha ko sa loob ng isang taong nagdaan.




alam kong tulad ng dati, bagamat inumpisahan ko ang aking unang walang kwentang artikulo na puno ng kainosentehan sa tunay na takbo ng kalakaran ng pakikipag relasyon,pag-ibig at pakikipaglaro na din siguro (sa part nila mostly), sa kasalukuyan ay di ko pa din maaring angkinin at di ko pa din maipagmamalaki na magagawa ko ng matuto at di magpauto...makipaglaro at wag isali ang personal kong damdamin sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng uri ng nilalalang na nakakasalamuha ko sa araw-araw...



batid ng limitado kong kaalaman na darating pa din ang araw, katulad ng tila ay paulit-ulit na nakatala sa blog site na ito, muli akong luluha... maghahanap... iibig, aasa, hihingi ng pang unawa at simpatiya sa kung sino man ang magkaroon ng oras na basahin ito at damhin ang bawat emosyong nakapaloob sa mga letra..



ganun pa man, hinihiling ko na sana, ang akda na ito at mga susunod pa ay maging medyo kakaiba kaysa sa mga nauna pa... sana mula sa akda kong ito, ay umulan ang pag-ibig at kaligayahan at di mapawi kaylanman ang pag-ibig na tila sa mga nakaraan kong akda ay sa simula lamang nabubuhay upang sa huli ay pagsisihan ko lang kung bakit naisipan kong ilathala
pa...




sana mula ngayon ikaw na nga..sana ay di lamang ako dinadaya ng aking pangarap na ilang ulit ng kinitil at tinangkang tanggalan ng tinig ng mga nauna kong karanasan sa pakikipagkapwa... maging ito man ay sa pagitan ng mga taong itinuring ko nang tunay na mga kabigan ngunit mas pinili na paniwalaan ang iba kaysa sa akin, o sa mga tao mismong aking minahal at halos ay sumira sa buong sistema ng aking pagkatao...



medyo magulo ang artikulong ito... ang bawat titik na bumubuo sa bawat salita ay tila katulad lamang ng naglalakbay na diwa nang isang taong nililipad na ng kanyang mga panaginip sa gitna nang mahimbing na pagtulog...



siguro nga ay unti-unti nang dumadaloy ang antok... at bago mo sabihin na makailang ulit ko nang kinaantukan, kinatamaran, at sa tuwina ay nakaklimutang tapusin at ipaskil dito ang paulit-ulit kong pinapangako na artikulo tungkol sa'yo...



bagama't nag-aagaw na akin angg katinuan at antok... nais kong malaman mo, na sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas ko...sa kabila ng maraming bilang ng mga kaibigan kong nawalan ng tiwala at kinapos sa pang-unawa para maintindihan ang tunay na ako at ang rason sa kung bakit ko ginawa ang mga bagay na sinasabi nilang isang malaki na pagkakamali sa parte ko...



kahit na sa maraming pagkakataon, aminado ako na ang aking kaisipan ay nagdududa sa nararamdaman at tinatakbo ng sarili kong pag-iisip...



kahit
pa sa mga bagay na ginagawa at handa ko pang gawin para sa'yo ay patuloy akong husgahan ng mga tao na malapit sa puso ko... kahit na paulit-ulit akong pagtawanan at ipagpilitan ng aking nakaraan na di hamak na mas mahusay siya kaysa sa'yo (kung saan maninindigan ako pabor sa'yo na hangal siya sa pag-aakalang iyon)...




kahit ano pa ang mangyari...hanggat tiwala ako sa katapatan mo at naniniwala akong pareho ang ating nararamdaman... sabihin man nilang mali pero hindi ko pa din magagawang iwaglit ka sa aking puso at isipan...



katulad ng madalas mong banggitin, hindi din ako mangangako pero pipilitin kong patunayan sa'yo na sa lahat ng masasakit at nakakasugat na salitang akin nang narinig mula sa nakaraan...at sa mas masasakit pang mga panghuhusga na maari nilang isaboy sa landas ng ating matiwasay na pagsasama, ikaw lang, kasama ng mga ilang taong makakaunawa sa atin ang ituturing kong lakas at pakikinggan sa bawat araw na sa atin ay dadating...



sa gitna ng maraming kasinungalingan na aking nasabi
at nagawa (at gagawin at sasabihin pa marahil) para depensahan ang aking
nayurakang pagkatao , sana'y pagkatiwalaan mo ako na ikaw lamang ang ituturing ko
bilang
nag-iisang katotohanan... at sa
parehong paraan, sa
lahat nang nasabi, sasabihin, nagawa at gagawin nilang
kasinungalingan laban
sa iyo at sa akin, sana ay matutunan natin na
pagkatiwalaan at protektahan
ang isa't-isa upang manatiling matatag sa gitna ng
mundong puno ng
pagkukuwari at
kasinungalingan...




sa dami (at sunod-sunod) na mga kabiguan at luha, nais ko pa ding paniwalaan na ikaw na nga ang katuparan ng aking nag-iisang pangarap...



kumbaga sa akda ni bob ong, nais kong paniwalaan na ikaw na ang isang taong matagal ko ng hinihintay para mabuo ang isang mundong kailangan ko habang buhay...



to
make this article short, gusto kong malaman at maramdaman mo na sa bawat ngiti na dinudulot mo sa aking mga labi...sa bawat halakhak na nagagawa ko sa tuwing may korni kang joke...sa bawat pag daop ng ating mga palad...sa bawat pag-akbay mo sa aking balikat...sa bawat tibok ng aking puso sa tuwing tayo ay magkatabi...sa bawat yakap, halik, titig.... sa lahat lahat ng aking pag-katao na gusto kong ibahagi sa'yo...




sa kabila ng lahat ng aking (nasayang na effort at pagmamahal sa
aking) nakaraan... sa kabila ng lahat ng aking mga pagkakamali...nais ko pa ding ibigay sa'yo ang ano mang natitira sa aking pagkatao na pilit mong binubuo simula ng makita mo akong tila patapon na at humihinga bagamat wala ng direksiyon, pangarap at tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin...(sniff,sniff...iyak na
naman...LOL)




sa kabila ng
pangamba na baka katulad ng nakaraan, muli kong
sisihin ang aking sarili
kung bakit ko hinayaang maramdaman ang ganito para
sa'yo, umaasa ako na sana
mula sa artikulong ito, hanggang sa mga susunod pa, ay
mapuno lamang ng mga
lathalang may kaugnayan sa'yo at sa mga magagandang ala-ala
na nanaisin kong
muling damhin at balik-balikan hanggang sa aking
pagtanda....




dahil sa lahat ng pagamamahal na patuloy kong nararamdaman sa piling mo, nais kong malaman mo (eto na siyet!ang haba pa din
talaga puro pasakalye...LOL)... MAHAL KITA ERNANI L. PANGILINAN...
*(03242010)*