feelmysoul

hear my random thoughts.... they are the echoes of my screaming soul...

Thursday, August 4, 2011

ISANG PAGTATANGKA NA PAGNILAYAN ANG SIPI NG TALUMPATI NG ISANG TIPIKAL NA TRAPO

“Kung ako lamang ang naka-darama ng masasakit na batikos at akusasyon, ay maaring makayanan ko pang dalhin.

Ngunit sa sandaling nakikita ko ang aking asawa, ang aking nagmamahal na magulang, at ang aking mga kapatid, kaibigan at mga kapanalig…damang dama ko rin ang kanilang pagdaramdam. Ang hapdi at pait na kanilang dinaranas dahilan sa mga walang basehang paratang laban sa aking pagkatao at bilang isang halal na Senador.

Mahal ko ang aking tungkulin bilang isang Senador at isang lingkod bayan o public servant. Ito ang dahilan kung bakit sa loob ng mahigit sa apat na taon kong paglilingkod dito sa Senado, ay aking maipagma-malaki ang mga nagawa ko upang tumbasan ang tiwala at pagkakataong ibinigay ng taong bayan sa akin upang ako ay makapag-lingkod sa ating bansa.

Isang paglilingkod na aking maipagma-malaki na walang bahid dungis. Hindi ako umabuso o nagpayaman sa aking katungkulan. Hindi ako nagkaroon ng maraming bodyguard o “back up” o gumamit ng anumang ‘wang wang’ kahit noong ako ay Kongresista pa lamang. Sa madaling salita, hindi pa man sinabi ng Pangulong Aquino ang sikat na salitang “Walang Wang-Wang”- iyan ay bahagi na ng aking panuntunan bilang isang lingkod bayan sa ating bansa.”

Aminado akong hindi ko na tinapos pang basahin ang kabuuan ng sipi ng talumpati na binigkas ng dating Senador Miguel Zubiri.. Dahil sa pakiramdam ko, ang bawat salitang nababasa ko ay taeng mas dumudungis lamang sa kamalayan ng bawat Pilipino.Para saan pang sinimulan at itinuloy niya ang pakikipagtunggali para sa pagkamit ng pwesto sa senado kung sa bandang huli ay magbibitiw din siya para umano pabulaanan ang lahat ng mga paratang na dumungis sa kanyang dangal at nakakapagpahirap ng kalooban ng mga minamahal niya sa buhay? Hindi pa ba naman nasanay ang kanyang pamilya sa sari-saring pamumulitika na talamak sa Pilipinas sa loob ng ayon nga sa kanya ay halos 30 taon ng panunugkulan?

Parang mas mali ata ang ginawa niyang pagbibitiw kung tunay na malinis ang kunsensya niya sa mga bagay na ipinaparatang sa kaniya. Sa palagay ba talaga niya ay matatapos ang mga pag-uusap tungkol sa kanya hinggil sa dayaan sa eleksyon kapag tuluyan na siyang nagbitiw sa tungkulin? May naresolba ba ang ginawa niyang pagbibitiw o mas naging daan pa ba ito sa higit na mas malalim na pagdududang susugat pa sa damdamin ng kanyang pamilya?

Hindi kaya nagbitiw siya dahil sa lumalabas na ang mas maramig baho na pilit na ikinukubli ng nagdaang administrasyon? Hindi kaya nagbitiw siya upang isalba ang sarili sa abot-abot na kamalasang dumadating sa mga unti-unti ay naglilitawang mga palalo at pasaway na mga naglilideran sa gobyerno?

Tila ang ginawa niyang pagbibitiw ay isang mukha lamang ng pagtakas sa kahihiyan at lumulutang na katotohanan katulad ng pagpapatiwakal ni Angelo Reyes.

” But let me just emphasize to my detractors, as I paraphrase a quote from General Douglas Macarthur that: I am not actually retreating; I am merely advancing in another direction.”

Iniisip ba niya na kung mapatunayan na may kinalaman siya sa dayaan noong nakaaang eleksyon ay mapapatawad siya ng taong-bayan dahil sa pagpapakadakila niyang pagbibitw sa tungkulin? Hindi ko ugaling maging mapagmatyag at maging mapanipi sa mga usaping pulitikal. Pero lubos talaga akong napapaisip sa kung ano ang maaring mas malalim na dahilan sa ginawa niyang pagbibitiw…Maaring ito ay isa lamang sa mga pangunahin niyang hakbang tungo sa pagkamit ng mas mataas na pwesto sa gobyerno… Maaring umaasa siyang magiging positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa kanyang ginawa at makakakuha siya ng mas malaking tiwala sa susunod na eleskyon. Maaring sa susunod na pagtakbo niya sa alin mng posisyon sa gobyerno na maibigan niya ay di na niya kakailanganing mandaya ulit.. Ganoo nga kaya iyon?

Nilalamon na ng antok ang kakayahan kong bigyan ng mas malalim na lohika ang pagbibitiw niya sa Senado kanina… ang malinaw na natira lang na tumatakbo sa isip ko ngayon ay ang realidad na wala pa din konkretong katauhan ang katotohan at walang naresolbang anu man ang pagbibitiw niya dahil pinanindigan niyang inosente siya sa mga naganap (di magkatugma) na nag-iwan lamang ng mas maraming tanong at palaisipan sa masa ang lahat.

SA KABILANG BANDA, MARAHIL NGA AY TAMA NA DIN ANG GINAWA NIYANG

PAGBiBITIW SA TUNGKULIN. DAHIL PINATUNAYAN LAMANG NIYA, SA PAMAMAGITAN NG MGA DAHILANG KANYANG NABANGGIT, NA WALA TALAGA SA MASA, SA BAYAN, SA PILIPINAS ANG KANYANG PUSO AT PAGMAMALASAKIT.PINATUNAYAN NIYANG HINDI NANANAHAN SA KANYANG PUSO ANG ALAB NG PAG-IBG SA BAYAN AT WALA SIYANG PANINDIGAN NA IPAGLABAN ANG SINASABI NIYANG KALINISAN NG KONSENSYA AT KATOTOHANAN. DAHIL HIGIT SA PAGLILINGKOD SA KAPWA PILIPINO, MAS INUNA NIYANG SAGIPIN ANG SARILING KAHIHIYAN AT MAS INUNA NIYANG ISIPIN ANG KAPAKANAN NG KANYANG NAGDARAMDAM NA PAMILYA.

MGA BAGAY NA PARA SA AKIN AY MABABAW NA DAHILAN UPANG MAKAPAGPABITIW SA TAONG WAGAS AT DALISAY ANG PAGNANAIS NA MAGSILBI SA BAYAN AT MAY MALINIS NA KONSENSYANG HINDI MAAPEKTUHAN NANG MADUMING PAMUMULITIKA AT ANO MANG PANINIRA NA SA KANYA AY IHAHATAG.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home