ANG ELBI AT ANG KAGUBATAN NG WALANG HANGGANG KARUNUNGAN
“Saan ka nagtapos?” Yan ang tanong sa akin sa job interview ng dati kong boss.
“Sa UPLB po.” Matipid ngunit buong pagmamalaki kong sagot.
“Ah..taga-bundok ka pala eh. Baka manibago ka at maligaw dito sa Manila? Marunong ka ba gumamit ng laptop? O ngayon ka lang nakakita ng ganito?” Yan naman ang mahaba at mayabang niyan itinugon.
Hindi ko na maalala kung ano ang isinagot ko sa sinabi niyang iyon. Pero natatandaan ko na di ko noon malaman kung matatawa ba ako o maiinis sa kayabangan at kamangmangan na mayroon siya.
Pero marahil nga ay tama siya. Dahil para sa akin, ang elbi ay hindi lang literal na nasa paanan ng bundok Makiling. Dahil ito ay isang malawak na kagubatan kung saan nagsasanga ang mayayabong na kaisipan at kaalaman ng bawat mag-aaral. Kaalaman na mas lalo pang pina-igting at inaruga ng mga batikan na propesor na ilang ulit nang nakapasok at nakalabas sa mga masusukal na kagubatan, sa gitna ng pusod ng iba’t-ibang larangan ng karunungan.
Dahil sa elbi, ang bawat pagliko, pag-ikot at pag-usad ay may kaakibat na kaukulang pala-isipan na malalampasan lamang ng mga karapat-dapat. At karadapat-dapat ka lamang kung mayroon kang sapat na tiwala sa sarili, tapang at talino upang gumawa ng mga di pangkarinawan na diskarte.
Dahil sa elbi, katulad ng iba pang mga kagubatan, ay naglipana din ang mga mababangis na hayop na nagkukubli sa likod ng mga nagsusulputang makabagong libangan, mga bisyo, bars na nagpapakawala ng mahahaliparot na musika at nanunuksong magpakalasing ka, iba’t-ibang uri ng mga organisasyon, at kung minsan, ay ang mismong mga teroristang propesor na kung magpa-recite at magpa-exam ay parang di na daratnan ng kinabukasan…Sila ang mga tinaguriang ubod ng bagsik na mga hayop na susukat sa kakayahan mong maging mas superyor sa kanila upang mapaglabanan at pagsumikapang ubusin ang bawat takot na maaari mong maramdaman… Hanggang sa tuluyan mo silang magapi at huwag nang maging balakid pa sa iyong mga plano.
Dito din sa elbi ang madalas na tambayan ni Taning kung saan siya nagliliwaliw tuwing panahon ng “hellweek”… kung saan regular na pangitain tuwing matatapos ang bawat sem ang pagbabanta at pananakot ng mga grado na kinabibilangan ng incomplete, kwatro (o kwarto ng mga iilan na talipandas at mapagsamantalang mga buwitre), at ng pinakamabagsik na hagupit ng singko.
Sa elbi lang din mayroong mga hinihingal na estudyanteng iniiwasan ang removal at final exams habang pinagpapagurang masungkit ang uno at mga katropa nito…
Dahil sa mga nailahad ko dito, OO.. Uulit-ulitin kong ipagmalaki na nanggaling ako sa masukal na kagubatang nilikaha ng sala-salabat na ideya, paniniwala, kakayahan at talino. Aminado din ako na sa ilang taon na inalagi ko sa kagubatan ng elbi ay di lang ako minsang naligaw, nadapa at nagalusan ng mga matatalim na talahib at matitinik na mga halamang naglipana sa kaibuturan nito.. Kung saan ang bawat hapdi at kirot na dulot ng mga galos ay katumbas ng mas madaming pagkatuto..
Nagawa kong makalabas mula sa kasukalan nito at natutunan kong taludturin ang kinaroroonan ng mapusok na lungsod gamit ang bawat pagkatuto mula sa mga sarili kong karanasan nang hindi kumakapit at nanggagamit ng sino man. At kahit saan pa ako mapadpad, parati kong bitbit ang mga tradisyon at aral na nagmula sa elbi…
Bakit ako makakaramdam ng takot na makipagsabayan at minsanang maligaw at muling matuto sa gitna ng isang lungsod na kung saan, sa simula pa lamang ng aking paglalakbay ay nabatid ko nang mas marami ang namumuhay na mangmang at nagdudunung-dunungan lamang?

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home