feelmysoul

hear my random thoughts.... they are the echoes of my screaming soul...

Tuesday, October 4, 2011

Para kay J.R.

Gusto kong manganak ang isipan ko ng isang malikhaing akda Ngunit patuloy lamang ito sa pagluluwal ng wala Gusto kong palayain ang damdaming nakakubli Upang mahubadan na ang itinatagong kimi Gusto kong pakawalan ang nagpupumilit na panlalait Kasi pagdating sa'yo, wala akong panahon na magpakabait Gusto kong sabihin na wala na sana akong balak na kumibo Dahil sayang lang kung sa'yo din lang magpapakabibo Gusto kong malaman mo na hindi ako nakiki-alam, pero hindi mo din ako kakampi Sapagkat hindi ako ang tatay ko na walang silbi Gusto kong iparating sa'yo na bagamat hindi ako nakakaramdam ng galit Ay hindi rin ibig sabihin na natutuwa ako sa mga nangyayari Gusto kong sanay maabot ng kapos mong pang-unawa Na hindi ako nakakaramdam para sa'yo ng awa Gusto ko ding maintindihan mo na di ko sila kinukunsinti Pero di ka din dapat na nirerespeto ng kahit na kaunti Gusto kong ipabatid sa'yo na nadaig mo ang aking talento Nang dahil lamang sa mas higit ang kakayahan mo na maghabi ng kwento Gusto kong mag-ingay ka pa, magreklamo at ituloy ang demandang inumpisahan mo Dahil batid kong mas matamis lasapin ang tagumpay pag sa putik na nakasadlak ang buo mong pagkatao Gusto kong sabihin na matagal nang nagtapos para sa akin ang lahat Pero di ko gusto ang lahat ng kasinungalingang laban sa mga kapatid ko na iyong isinawalat Gusto ko ng tapusin ang pagtatangkang likhain pa ang obra na ito Dahil wala naman kahit isa dito ang mauunawaan ng makitid na kukote mo At ngayon, gusto ko nang ibuod ang lahat ng nakahayag dito Dahil sa madaling salita,ikaw ay ang mga sumusunod: Mababang uri. Hindi kaibig-ibig. Manggagamit. Sakim. Madamot. Mang-aagaw. Pretensyosa. Kasuklam-suklam. Haliparot. Kaladkarin. Talipandas. KABIT.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home