feelmysoul

hear my random thoughts.... they are the echoes of my screaming soul...

Thursday, June 17, 2010

try harder

while waiting for nani to get done with his task, naisip ko na buksan ang blog account ko na matagal ko na ding hindi nabibisita.

and i realized, katulad pala ng buhay ko, at ng mga bagay na kinahihiligan ko na din siguro, wala palang kwenta ang blogsite na ito... hahaha

meron lang akong 2 followers... ang isa ay ang lumang blog account ko na di ko nadin ginagamit... at ang isa ay isang blogger din an di ko alam kug binabasa nga ba ang mga walang kwentang posts na nakasulat dito..

napaisip ako... kung seryosohin ko ba ang pagsulat ng mga articles sa blog site na ito, tatangkilikin kaya ito ng maraming tao?

i've seen Julia and Julie last weekend... napaisip ako na parang ang sarap-sarap mag blog... kailangan ko lang din siguro ng matitinong topic para bisitahin ng mga tao ang blogsite ko...

napansin ko din kasi na puro emotional masyado ang mga blog posts ko... masyadong mababaw...
walang definite na topic... kung saan saan at kung anu-ano lang din ang nilalagay ko dito... katulad na lang ng bagong entry na ito.

hmm... wala ng ibang maisip sabihin...
sinasabi k o na nga ba... katulad ng mga nauna kong post, mauuwi lang din sa wala ang isang walang kwentang article na ito... waaaa

pero sobrang gusto ko talaga gumawa ng isang blog site na mag tatackle naman sa isang mabigat bigat at importanteng mga topics.. ung medyo kontorobersyal... ungsusundan ng mga tao at magkakaroon ng madaming fans... hahahaha ang ambisyosa ko talaga..

ang tagal aman ni nani... nakakahiya ng mag type dito sa office nila hahaha.. pero sige pa din ang type... sige lang ang blog... as if di alam na kanina pa nakatingin at nakikiramdam din siguro si ma'am cherry at iniisip siguro kung ano an gginagawa ko dito sa computer ni nani..

haha sige patay malisya lang ako kunwari habang wala pa si nani... ^___^

wala na din maisip sabihin.. tamang tama sa pagdating ni nani..

these would be all for now.. try to write a better and meaningful blog next time ^___^

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home